OFW partylist

OFW Party List pinangunahan ang relief operations sa mga naging biktima ng bagyong Carina.

Mar Rodriguez Jul 26, 2024
76 Views

OFW partylist OFW partylist𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗴 “𝗿𝗲𝗹𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀” 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗖𝗥) 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗵𝗮 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗿𝗶𝗻𝗮.

Ayon kay Magsino, hindi umano sila nagpatumpik-tumpik at agad na tinungo ang mga apektadong lugar na matinding sinalanta ng bagyong Carina katulad ng Marikina City, Bulacan, Mandaluyong City, Quezon City at iba pang mga lugar sa bansa.

Sabi ng kongresista, namahagi aniya sila ng mga essential goods kabilang na dito ang kahon-kahong mineral water, biscuit, mga delata at toiletry kits para sa mga apektadong pamilya at komunidad.

Nabatid kay Magsino na kabilang sa mga lugar sa NCR na pinuntahan ng OFW Party List group bukod pa sa mga nabanggit na lugar ay ang Makati City, Caloocan City, City of Manila, Taguig-Pateros at San Mateo Rizal.

Paliwanag pa ni Magsino, ang tahanan ng OFW Party List Leader na si Kateh Baluyot Zafe sa Mandaluyong City ay hindi rin nakaligtas sa bagsik ng bagyong Carina matapos na pasukin ng tubig ang kaniyang lugar sa kasagsagan ng walang puknat na pag-uulan.

Dahil dito, winika pa ni Magsino na si Zafe ay kabilang sa mga tinulungan ng OFW Party List group sa pamamagitan ng pamamahagi sa kaniya ng ilang kahon ng pagkain para pagsaluhan ng kaniyang pamilya at mga kapitbahay na sinalanta din ng baha.

“Marami po sa mga kapamilya ng ating OFWs ang apektado ng bagyo. Binaha ang kanilang bahay at wala rin silang makain lalo na at pagod sila sa paglilinis ng mga nasirang gamit,” sabi ni Magsino.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryong nakatanggap ng tulong o “relief goods” mula sa OFW Party List lalo na si Zafe dahil sa pagmamahal at malasakit sa kapwa na ipinakita ni Magsino.