Calendar
Karagdagang TRA sa iba pang mga lugar sa bansa ikinagalak ni Madrona
𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗼 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘀𝘁 𝗔𝗿𝗲𝗮𝘀 (𝗧𝗥𝗔) 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝘀𝗲𝗸𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼.
Ayon kay Madrona, ang pagkakaroon ng karagdagang TRA sa iba’t-lugar sa Pilipinas ang maituturing na “milestone” o isang magandang kaganapan at accomplishment ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr.
Sabi ni Madrona, malaking kaginhawahan para sa mga dayuhan at lokal na turista ang mga ipinapatayong TRA sapagkat mas komportable at kombinyente ang kanilang biyahe lalo na sa mga malalayong lalawigan.
Paliwanag pa ng kongresista, ang pagpapatayo ng mga TRA ay isa sa mga inilatag na accomplishments ng pamahalaan sa pamamagitan ng DOT sa nakalipas na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
Dagdag pa ni Madrona na sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr. sampung TRA ang naipatayo sa mga estratehikong lugar sa Pilipinas partikular na sa mga “major tourist destination” gaya ng Mindanao, Visayas at Luzon.
Ipinahayag pa ng mambabatas na inaasahang karagdagang 22 TRA ang maipapatayo ngayong taon sa iba’t-ibang lalawigan sa gitna ng unti-unting pagbangon ng Philippine tourism.
Ayon pa kay Madrona, napakahusay ng konsepto ng Tourism Department dahil sa tulong ng mga TRA nararanasan ng mga travelers dayuhan man o lokal ang mga magagandang amenities na inaalok ng TRA kabilang na dito ang malinis na palikuran (CR) na may shower, lounge, charging stations at pasalubong center.