Calendar
Frasco pinangunahan ang groundbreaking para sa ipatatayong Liloan Children’s Hospital
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ b๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ-๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐ถ๐๐.
Ito ay matapos pangunahan ng House Deputy Speaker ang groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng Liloan Children’s Hospital na matagal ng inaabangan ng mga residente ng Liloan, Cebu.
Ayon kay Frasco, sa pamamagitan ng Liloan Children’s Hospital, inaasahan ang pagkakaroon nito ng isang moderno at makabagong pedriatic health care system na malaki ang maitutulong para sa napakaraming kabataang may sakit kabilang na dito ang mga sanggol.
Paliwanag ng kongresista, kabilang din sa mga maipagmamalaki ng ipatatayong ospital ay ang pagkakaroon nito ng mga makabago at modernong kagamitan o hospital equipments gaya ng makikita sa mga malalaki at kilalang ospital sa bansa.
Sabi pa ni Frasco, ang ginanap na groundbreaking ceremony ay dinaluhan at sinaksihan ni Department of Health (DOH) Regional Director Jaime Bernadas kasama din sina Mayor Aljew Frasco, Mayor Jury Quino at mga opisyales ng Munisipalidad ng Liloan at Compostela.
Ayon pa sa mambabatas, ang pagpapatayo ng Liloan Children’s Hospital ay katuparan ng kaniyang pangarap na matagal na nitong inaasam kahit noong nanunungkulan pa siyang Mayor ng Liloan, Cebu noong taong 2007.
Sabi pa ni Frasco, ang kaniyang pangarap ay hindi nanatiling isang pangarap.
Sinikap aniyang maisakatuparan ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagsulong nito ng House Bill No. 8274 na naglalayong magkaroon ng healthcare facility para sa mga bata ng Cebu City kasama na ang Visayas.