Calendar
Pagpapalakas ng mental health program sa mga Philippine Embassy sa abroad itinutulak
ðð§ððĄðĻð§ðĻððð ðŧðī ðĩððððž ðŧðķ ðĒððŠ ðĢðŪðŋðð ððķðð ððžðŧðī. ð ðŪðŋðķðððŪ “ððēðđ ð ðŪðŋ” ðĢ. ð ðŪðīððķðŧðž ðŪðŧðī ð―ðŪðīðļðŪðļðŪðŋðžðžðŧ ðŧðī ðšðŪðđðŪððŪðļðŪðŧðī ð―ðŋðžðīðŋðŪðšðŪ ð―ðŪðŋðŪ ððŪ ðððŪð―ðķðŧ ðŧðī ðšðēðŧððŪðđ ðĩðēðŪðđððĩ ððŪ ðķðŊðŪ’ð-ðķðŊðŪðŧðī ðĢðĩðķðđðķð―ð―ðķðŧðē ððšðŊðŪððð ððŪ ðķðŊðŪðŧðī ðŊðŪðŧððŪ ðļðŪððŪðšðŪ ðŧðŪ ðŪðŧðī ðšðīðŪ ðēðšð―ðđðēððŪðąðž ðŧðī ðĢðĩðķðđðķð―ð―ðķðŧðē ðģðžðŋðēðķðīðŧ ð―ðžððð ð―ðŪðŋðŪ ðšðŪðððđððŧðīðŪðŧ ðŧðķðđðŪ ðŪðŧðī ðšðīðŪ ðĒððēðŋððēðŪð ððķðđðķð―ðķðŧðž ðŠðžðŋðļðēðŋð (ðĒððŠð) ðŧðŪ ðððšðŪððŪðķðđðŪðđðķðš ððŪ ðšðēðŧððŪðđ ðĩðēðŪðđððĩ ð―ðŋðžðŊðđðēðšs.
Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng Department of Foreign Affairs (DFA), iginiit ni Magsino ang pagbabalangkas ng DFA ng isang programa para sa mga Philippine Embassy sa abroad kabilang na ang mga Philippine Consulate Offices para magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa usapin ng mental health.
Paliwanag ni Magsino, layunin nito na matulungan ang mga OFWs o migrant workers na dumaranas ng matinding mental health problem o psychological problem dulot ng stress, depression o pangungulila sa kanilang pamilya at iba pang mga rason.
Inilahad din ni Magsino ang ginawa nitong pagbisita kamakailan sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Taiwan, Singapore at South Korea nuong nakaraang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Nakita umano niya ang kahalagahan na maging “mental health responsive” ang tinatawag na foreign posts sa iba’t-ibang panig ng mundo para maging handa sa pagtugon sa kalagayan ng mga OFWs.
Sabi din ni Magsino sa budget hearing ng DFA na mismong ang mga kasapi ng Philippine community at mga leaders nito, kasama na ang mga empleyado ng consular offices ang naglatag ng nasabing issue patungkol sa nakakabahalang kaso ng mga OFWs na dumaranas ng mental health problem.
“When I visited several foreign posts to personally talk to our OFWs. I witnessed firsthand the dedication of our Embassy personnel despite limited manpower. Subalit, sa dami at bigat po ng mga kaso ng ating OFWs na inaayos ng ating foreign service personnel sa mga lugar na ito. Hindi maiiwasan na madama nila ang stress ng sitwasyon,” paliwanag ni Magsino.
Sa pagpapatuloy ng budget hearing ng DFA, itinanong din ni Magsino sa mga opisyal ng naturang ahensiya kung mayroon silang plano para magkaroon ng “mental health support” at kung nakapaloob din sa kanilang alokasyon para sa susunod na taon (2025) ang paglalaan ng kaukulang pondo para sa pagsusulong ng isang programa para sa usapin ng mental health.