Calendar
Alok na trabaho sa Manilenyo sa PESO Job Fair umabot ng 2.5
UMABOT sa may 2,500 na trabaho ang alok sa mga Manilenyo sa ginanap na “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” Miyerkules ng umaga sa Paco, Mayila.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang naturang job fair na nagbigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho ay naisakatuparan sa ilalim ng Public Employment Service Office (PESO)-Manila at ng Department of Labor and Employment – National Capital Region Manila Field Office ay bukas para sa mga high school graduates, college level, college at technical-vocational graduates.
Sinabi naman ni PESO Director Fernan Bermejo na kabilang sa mga posisyong inialok sa mga aplikante ay human resources staff, promo merchandising supervisor, driver/helper, accounting staff, data analyst, data encoder, merchandiser, sales associate, production worker/helper, administrative staff, quality control staff, accounting staff, at office staff.
Marami naman sa mga aplikante na kaagad natanggap ang nagpa-abot ng kanilang pasasalamat kay Mayor Lacuna dahil sa ipinagkaloob sa kanilang pagkakataon na magkaroon ng trabaho.
Bukod sa pagdaraos ng job fair na nagsimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa kanto ng Paz at Perdigon St Paco na sakop ng District V, nag-alok din ang Kalinga sa Maynila ng libreng serbisyo tulad ng konsultasyong medikal, pangunahing mga gamot, deworming, bakuna kontra rabies, civil registry, tricycle at parking registration, person with disabilities/solo parent/senior citizen ID application, clearing/flushing operations, aplikasyon sa tubig at elektrisidad, katanungan sa aplikasyon ng building permit, libreng notary at iba pa sa mga residente ng Barangay 679, 680, 681 at 684.