Calendar
‘Pretty Boys’ at ‘Table for 3’ ipapakita ibang pananaw sa pag-ibig
PANOORIN ang mga hindi pangkaraniwang aspeto ng pag-ibig sa ‘Pretty Boys’ at ‘Table for 3,’ ang unang dalawang episodes sa ‘Open Secret’ anthology ng The IdeaFirst Company tampok ang mga kakaiba at nakakaintrigang queer stories.
Mula sa direksyon ni Ivan Payawal, ang dalawang kwento ay magpapakita ng bagong pananaw tungkol sa pag-ibig at relasyon. Ekslusibo itong mapapanood on demand sa Vivamax Plus.
Sisimulan ang ‘Open Secret’ series sa ‘Pretty Boys.’ Ito ay kwento ng tatlong gwapong binata na maiipit sa love triangle matapos malaman ng isa na ang greatest love niya ay may gusto na ngayon sa best friend niya.
Kilalanin si Grey, isang gay man na may makulay at loud na personality, isang “twink” kung tawagin ng iba. Siya ay hopeless romantic at self-proclaimed love expert kahit hindi naman ganoon karami ang experience pagdating sa pag-ibig.
Isang beses pa lang siyang na-iin love, kay Yates, isang straight-acting gay man na ngayon ay nakabase na sa United States. Best friend naman ni Grey si Jonas, gay katulad ni Grey pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali at mas gusto rin nito ang pagkakaroon ng masculine appeal.
Magugulo ang mundo nila nang bumalik si Yates. Bago pa tuluyang umasa si Grey na magkakaroon pa ng second chance ang pag-iibigan nila ay mauudlot ito agad nang umamin si Yates sa nararamdaman nito para kay Jonas. Hinihingi rin nito na tulungan siya ni Grey na makadiskarte at mapasagot si Jonas.
Isa itong pag-amin at paghingi ng pabor na parang sumaksak sa puso ni Grey sa sobrang sakit nang marinig ito. Pumayag kaya siya sa hinihiling ng dating kasintahan? O gagawa siya ng plano para baguhin ang isip ni Yates at muli siyang balikan nito?
Isang komplikado at one-of-a-kind love story na magpapakita na ang pag-ibig ay hindi mapangmata at laging handang tumanggap kahit ano ka pa.
Ma-hook sa romantic comedy na ito na pagbibidahan ng mga rising actors na sina Tommy Alejandrino, Markus Paterson at Kiel Aguilar. Available na sa Vivamax Plus.
Sa second episode ng anthology, sasabak sina Topper Fabregas, Jesse Guinto at Arkin del Rosario sa isang kakaibang pagganap bilang tatlong gay men sa isang naiibang uri ng relasyon sa ‘Table for 3.’ Eksklusibo itong mapapanood sa Vivamax Plus simula August 28.
Ang ‘Table for 3’ ay tungkol kina Paul (Del Rosario) at Marlon (Fabregas) na isang dekada nang magkarelasyon. Kahit hindi perpekto ang kanilang pagsasama, nananatili silang matatag— hanggang sa imumungkahi ni Marlon na magkaroon sila ng pangatlong partner para pasiglahin ang kanilang love at sex life.
Mag-aalinlangan si Paul dito, ngunit nang makikilala niya ang nakakabighaning si Jeremy (Guinto), magiging bukas na siya sa ideya ni Marlon.
Bubuo sina Paul, Marlon, at Jeremy ng isang “throuple” na magbibigay ng bagong kahulugan sa pag-ibig. Ibabahagi nila ang pagmamahal sa pagitan ng tatlong tao, at haharapin nila ang hamon at kaligayahan ng buhay nang iisa at magkakasama sa isang bahay.
Magiging matagumpay kaya ang kanilang dynamics bilang isang “throuple,” o magiging totoo sa kanila ang kasabihan na “three’s a crowd”?
Ihanda na ang inyong mga puso at isipan sa iba’t-ibang posibilidad ng pagmamahal sa ‘Table for 3,’ mapapanood on demand simula August 28.