Kemikal Source: Cabuyao BFP

Kemikal tumagas, 17 naospital sa Cabuyao

Gil Aman Aug 21, 2024
92 Views

LABINGPTIONG katao ang isinugod sa pagamutan nang makaranas ng pagkahilo at pagsusuka matapos makalanghap ng chemical substance dahil sa pagtagas ng isang cylinder tank mula sa Izbanda Scrap Trading sa Brgy. Banaybanay, Cabuyao City, Laguna, Martes ng hapon.

Dahil sa maagap na pagsaklolo ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO ng Cabuyao City, agad nadala sa ospital ang mga apektadong residente na nasa malapit sa Izbanda Scrap Trading na nasa Lot 9178A South Point ng naturang barangay.

Sa report ng Cabuyao Police , kasalukuyang nagsasagawa ng general cleaning ang scrap trading ng biglang sumingaw ang apat na taas na tanke na naglalaman ng liquid gas.

Kumalat ang singaw sa mga kalapit na residente sa lugar.

Base sa imbestigasyon ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection at CDRRMO na positibong ang pinagmulan ng mabahong chemical ay isang tangke na hindi sinasadyang sumingaw dakong alas 2:00 ng hapon.

Ayon kay Ramon Villareal, ang supervisor ng scrap, na ang paglitaw ng madilaw at kulay berdeng chemical na matagal na umanong naimbak ang posibleng pinagmulan ng mabahong amoy na nagresulta sa pagsusuka at pagkahilo ng mga nakalanghap sa likido.