Roadrage

Road rage drivers dapat ilabas ang angas sa Kamara

Mar Rodriguez Aug 21, 2024
91 Views

Roadrage1𝗣𝗔𝗥𝗔 𝘀𝗮 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘂𝗺𝗮𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 “𝗺𝗮𝗮𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀” 𝗻𝗮 𝗺𝗼𝘁𝗼𝗿𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁 𝘀𝗮 𝗿𝗼𝗮𝗱 𝗿𝗮𝗴𝗲 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗼𝗻 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻.

Ito ang may halong pagka-inis na pahayag ni Valeriano patungkol sa isa na naman kaso ng road rage na naganap sa Santo Tomas, Batangas kamakailan. Walang habas at walang pakundangan na pinagsususuntok at pinagmumura ng isang barumbado, lasing at maangas na driver ng SUV ang kapwa nito motorista dahil nabusinahan lamang siya nito.

Ayon sa mga pangyayari, bumaba ng kaniyang sasakyan ang maangas at lasing na driver ng SUV at nilapitan ang biktimang driver kasunod nito ang pagpapakawala naman niya ng sunod-sunod na suntok na tumama naman sa mukha, gilid ng tainga at ulo ng naturang biktima.

Makikita rin sa viral video na kahit humihingi na ng “sorry” ang biktimang driver ay patuloy parin ang driver ng SUV sa pagsuntok at pagmumura sa biktima. Nagtamo ang biktima ng mga pasa at galos sa mukha bukod pa ang trauma na naramdaman nito bunsod ng pangyayari.

Binigyang diin ni Valeriano na parang mahirap ng patinuin ang mga ganitong barumbado, mayabang at walang disiplinang driver sapagkat paulit-ulit na lamang aniya ang mga kaso ng road rage na mas pinapalala pa kapag ang isang driver ay naka-inom o kaya ay langog sa illegal na droga.

Bilang chairperson ng Committee Metro Manila Development, ang mungkahi ng kongresista ay dapat papuntahan sa Kongreso ang mga ganitong klase ng motorista para maturuan ng leksiyon sa tamang asal sa lansangan. Ito ay sa pamamagitan ng isang pagdinig kaugnay sa mga kaso ng roadrage.

“These people should be in Congress to taught a lesson. We should show their faces to the public and asses their “tapang”. They should face the public through Congress, para hindi naman pamarisan. Mukhang hindi yata sila nababawasan,” sabi ni Valeriano.