Dy1

Nakamit na tagumpay ng pamilya Dormitorio, ikinagalak ni Dy

Mar Rodriguez Aug 21, 2024
57 Views

𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝟲𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗙𝗮𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 “𝗜𝗻𝗻𝗼” 𝗔. 𝗗𝘆 𝗩 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗗𝗼𝗿𝗺𝗼𝘁𝗼𝗿𝗶𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 (𝗥𝗧𝗖) 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵 𝟱 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 (𝗣𝗠𝗔) 𝟰𝘁𝗵 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗰𝗮𝗱𝗲𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗗𝗼𝗿𝗺𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗼 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟭𝟵.

Ipinahayag ng House Deputy Majority Leader na buhay na buhay ang hustisya sa Pilipinas sapagkat pinatutunayan pa rin sa kaso ni Dormitorio na walang pinapanigan ang batas at kumikiling o pumapanig parin ito sa mga naa-agrabyado.

Sabi pa ni Dy na ipinapakita rin sa kaso ni Dormitorio na walang puwang ang karahasan o ang kasuklam-suklam na hazing sa mga paaralan at lalo na sa isang military institution na katulad ng PMA na makailang ulit narin nakaladkad sa mga kaso ng hazing na ikinamatay ng ilang kadete.

“Ipagbunyi ang hustisya lalo na sa linya ng mga bata sa eskuwelahan. Do not leave any stone unturned. Adult students in school who are violent must answer for their actions,” ayon kay Dy.

Naniniwala si Dy na posibleng maghahain ng apela ang mga sentensiyado. Subalit sakaling pagtibayin aniya ng Korte ang nasabing kaso ay kinakailangan nilang pagdusahan sa loob ng bilangguan ang kanilang naging pagkakasala.