Frasco

Frasco nakakapagpasinaya sa mga proyekto kahit abala

Mar Rodriguez Aug 30, 2024
76 Views

Frasco1Frasco2๐—•๐—”๐—š๐—”๐— ๐—”’๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ’๐˜-๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€, n๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐˜๐˜† ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฒ๐—ฏ๐˜‚ ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฉ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ผ “๐——๐˜‚๐—ธ๐—ฒ” ๐——. ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ฐ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ.

Para sa House Deputy Speaker, pinangatawanan nito ang kasabihan na “the show must go on” sa gitna ng mabibigat na usapin na kasalukuyang pinagkakaabalahan at tinututukan ng Kongreso.

Pinangunahan nito ang pag-turnover sa dalawang infrastructure project nito sa Munisipalidad ng Borbon sa Cebu na nagkakahalaga ng P10 million.

Paliwanag ni Frasco na sinisikap nitong hatiin ang kaniyang trabaho at oras bilang House Deputy Speaker at kinatawan naman ng 5th District upang hindi niya makaligtaan ang pagbibigay nito ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng kaniyang mga kababayan kabilang na dito ang paghahatid ng financial at livelihood assistance para sa mga mahihirap na mamamayan ng kanilang lalawigan.

Ayon kay Frasco, kabilang sa mga tinutukan nitong proyekto kamakailan ay ang ginawa nitong pag-turnover sa bagong covered court ng Don Gregorio Antigua Elementary school sa Barangay Don Gregorio Antigua. Nagpahayag ng malaking pagpapasalamat ang pamunuan ng naturang eskuwelahan.

Ipinabatid din ng kongresista sa ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ’๐˜€ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ na isa pang infrastructure project ang kaniyang pangunahan na inaasahang magbibigay ng napakalaking benepisyo para sa mga residente ng Barangay Poblacion sa pamamagitan ng bagong paggawang covered court ng Sition Gaban sa nasabing lugar na nagkakahalaga ng P5 million.

Sabi pa ni Frasco na tiyak na malaki ang magiging pakinabang ng mga mamamayan ng Barangay Don Gregorio at Sitio Galaban sa kanilang bagong covered court na maaari nilang pagdausan ng school activities, events sa panahon ng piyesta at iba pang okasyon.

“Kahit masyado tayong busy dahil sa dami ng ating trabaho sa Congress, hindi pa rin natin nakakalimutang tutukan ang ating mga proyekto sa ating distrito,” sabi ni Frasco.