Bitrics

Pag-gastos ng OVP ng confi funds ikinabahala

73 Views

NABAHALA si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro tungkol sa paggasta ng Office of the Vice President (OVP) ng P125 milyong confidential funds sa loob ng 11 araw noong 2022.

Sa briefing ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2025 OVP budget noong Agosto 27, sinabi ni Luistro na naglabas ang Commission on Audit (COA) ng notice of disallowance na nagpapahiwatig na hindi ginamit ang P72 milyon ng P125 milyon sa tamang paraan.

Ayon kay Luistro, ipinag-utos ng COA na ibalik ang naturang halaga sa gobyerno.