Disaster Source:Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

2 menor de edad, 4 pa patay nang kotse mahulog sa bangin

Zaida Delos Reyes Aug 30, 2024
71 Views

ANIM na tao kabilang ang dalawang menor de edad ang nasawi habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyang kotse nitong Huwebes ng hapon sa Barangay Nagpan, Malungon, Sarangani.

Apat sa mga nasawi ay nakilalang sina Jay-Ar Mandawan, driver ng kotse; Quiroben Saraduma Luchavez, Ernesto Mucia at Nian Luchavez.

Kritikal sa pagamutan si Nora Albuena Pellejo Hamtung at isang taong gulang na batang lalaki.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 12, galing ang mga biktima sa General Santos City at pauwi na sana sa sa Mati City, Davao Oriental nang maganap ang aksidente.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kayat bumulusok ang kotse sa bangin.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.