Suspek

Suspek sa gahasa nakorner sa Rizal

42 Views

TIKLO ang lalaking suspek sa kasong panghahalay matapos maaresto ng mga pulis sa LLDA St., Brgy. Looc, Cardona, Rizal noong Biyernes, ayon sa report kay Rizal police director P/Col. Felipe B. Maraggun.

Nagsagawa ang tracker team ng Cardona police Station bandang alas-8:10 ng gabi at nahuli si alyas Mark.

Nadakip ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa qualified rape na inisyu ni Presiding Judge Narmo Noblejas ng Regional Trial Court Branch 69 ng Binangonan, Rizal.

Nakakulong ngayon sa Cardona custodial facility ang suspek.