Ginang Ang miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nag iimbestiga sa pinangyarihan ng pamamaril.

Ginang todas sa 4 na bala

Gil Aman Sep 1, 2024
24 Views

TODAS ang 57-anyos na ginang sa apat na tama ng bala mula sa tumakas at hindi nakilalang salarin sa Sta. Barbara St., Amante subdivision, Brgy. Del Remedio, San Pablo City.

Sa ulat ni P/LT. Col. Wilhelmino Saldivar Jr, hepe ng San Pablo City police kay Laguna Provincial Director PCol Gauvin Mel Unos, kinilala ang nasawing ginang na si Alyas Zoila.

Dead-on-arrival ang biktima na si alyas Zoila, ayon kay P/Lt. Col. Wilhelmino Saldivar Jr., hepe ng San Pablo City police, sa report kay Laguna police director P/Col. Gauvin Mel Unos.

Dinala ang biktima sa Community General Hospital at doon nalagutan ng hininga, ayon sa report.

Naka-itim na jacket, maong pants at itim na helmet sakay motor ang salarin na tumakas pagkatapos ng pamamaril.

Base sa imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon nang dumating ang suspek sa bahay ng biktima na naglalaba sa harap ng terrace ng kayang bahay.

Pagbaba ng suspek, sunud-sunod na pamamaril sa katawan ng suspek ang ginawa at tumakas na.