Calendar
BI dineport 3 taga-Malaysia na sasali sa pro-PACQ rally
HINARANG at dineport pabalik ng Malaysia ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong Malaysian nationals na nagpakilalang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, dumating ang tatlo sa NAIA Terminal 1 noong Agosto 27 lulan ng Philippine Airlines mula Kuala Lumpur.
Sina Jessica Lynn Henry, Mimielianna Annie Anak Leesoi at Andrijosebaul Anak Garra, lahat nasa mid-20s, dumating kasama ang isang grupo ng mga Pilipino na mga miyembro umano ng KOJC na kalaunan iniwan sila matapos silang i-refer para sa karagdagang inspeksyon sa imigrasyon.
Ayon kay Tansingco, hindi pinapasok ang mga Malaysian dahil sa kahina-hinalang layunin sa bansa.
“Our immigration officers discovered their intent to participate in anti-government demonstrations being staged by KOJC members who are protesting the ongoing manhunt for Pastor Quiboloy,” saad ni Tansingco.
“Foreigners have no business interfering in the country’s internal political affairs, thus aliens who join these protest actions can be expelled for violating our immigration laws and for being undesirable aliens,” sabi ng BI commissioner.
Sa kanilang incident report, sinabi ng mga BI supervisor na sinabi ng mga pasahero na pupunta sila sa Davao City para sa imbitasyon ng KOJC.
Pero hindi napatunayan ng tatlo na may financial capability sila para suportahan ang pananatili nila sa bansa at inamin na wala silang trabaho.
Ang isa sa mga pasahero, habang iniinterbyu, hindi sinasadyang naipinakita sa mga supervisor ng BI ang kanyang mobile phone na may screenshot ng “BBM Resign,” “Stop KOJC Injustices” at “AFP/PNP Protect the People. ”
Nang tanungin na ipaliwanag ang screenshot, sinabi ng pasahero na aksidente niyang na-download ang nasabing mga slogan mula sa kanyang Facebook/Messenger page.