OFW partylist

Pagpapalakas sa “labor rigts” ng mga OFWs sa UAE, KSA iminungkahi

Mar Rodriguez Sep 1, 2024
159 Views

OFW partylist๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐—›๐—œ ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ “๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—๐—ฟ. ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ปg “๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€” ng ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ ๐—˜๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€ (๐—จ๐—”๐—˜) ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ (๐—ž๐—ฆ๐—”).

Ang mungkahi ang nilalaman ng privilege speech ni Magsino sa plenaryo ng Kamara de Representantes patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga OFWs sa UAE at KSA. Kung saan, nasa 23% ang mga OFWs na nagta-trabaho sa Saudi Arabia at 13% naman sa UAE.

Ayon kay Magsino, hindi matatawaran ang napakalaking ambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa sapagkat noong 2022 ay nakapag-remitt ang mga OFWs mula sa Saudi Arabia ng tinatayang $1.94 billion habang ang mga nasa UAE naman ay nakapag-remitt ng $1.35 billion batay sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Idiniin ni Magsino sa kaniyang talumpati na sa kabila ng napakalaking kontribusyon nila, may mga OFWs ang nahaharap sa mga mabibigat na suliranin sa ibayong dagat tulad ng “human rights abuses”.

Sabi ni Magsino na karamihan sa mga natanggap nitong sumbong mula sa mga OFWs na nagta-trabaho bilang mga kasambahay sa Saudi Arabia ay madalas na sila’y bugbog sa sobrang haba ng kanilang trabaho. Ang iba naman ay napaka-ikli lamang ng pahinga.

“Karamihan sa mga household service workers ay madalas na bugbog sa haba ng oras ng kanilang trabaho at maikli lamang ang kanilang pamamahinga. Kaya ang resulta, wala halos pagkakataon ang mga OFWs upang mamasyal at makipag-kapwa tao upang libangin ang kanilang mga sarili pagkatapos ng maraming araw ng kanilang paninilbihan sa kanilang mga amo,” sabi ni Magsino sa kaniyang privilege speech.

๐—ง๐—ผ ๐—š๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†