Saksakan Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan ang suspek na nanaksak sa biktima na kasalukuyan pang inoobserbahan sa pagamutan.Kuha ni JONJON C. REYES

Inuman nauwi sa saksakan, biktima agaw-buhay

Jon-jon Reyes Sep 4, 2024
25 Views

PATULOY na inoobserbahan sa pagamutan, ang isang 54-anyos na lalaki, makaraang pagsasaksakin habang nakikipag-iinuman sa loob ng bahay sa Masikap Street, Barangay 28, Tondo ,Manila, Huwebes ng madaling araw

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, natimbog ang suspek na nakilalang si alyas Kabu, binata, helper ng Sto.Nino Street,Tondo.

patuloy na inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Nestor Urbano,jobless, ng Masikap Street, Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, Station Commander ,bandang 4:20 ng madaling araw nang maganap ang pananaksak sa biktima.

Nauna rito,habang nasa kasagsagan ng masayang inuman ang grupo ng mga kalalakihan kasama ang biktima ,nang sumulpot si alyas Kabu at walang sabi sabing pag-uundayan ng saksak si Urbano

Mabilis nakapag-responde ang mga tauhan ng TMRU, matapos makipag-ugnayan ang biktima sa pagamutan.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga kapulisan na nag0resulta sa pagkaka-aresto sa suspek na positibong kinilala ng biktima.