Bangkay

Patay na kelot lumutangsa ilog matapos humupa ang agos

Edd Reyes Sep 5, 2024
58 Views

LUMUTANG ang bangkay ng hindi kilalang lalaki matapos humina ang agos sa Bangkulasi river sa Navotas noong Miyerkules.

Base sa report, dakong alas-6:55 ng umaga nang makita ng saksing si Noel Mabini, 49, ang lumulutang na bangkay sa ilog sa tabi ng tulay ng Bagumbayan South.

Nang magresponde ang mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, humingi sila ng tulong sa rescue team ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) para maiahon ang bangkay.

May hinala ang pulisya na ilang araw ng patay ang hindi pa kilalang lalaki dahil bloated na ang bangkay nang matagpuan.

Ayon kay Col. Cortes, makikipag-ugnayan sila sa ahensiya ng gobyerno na may datos ng mga nawawalang biktima ng bagyong Enteng dahil posibleng tinangay ng malakas na agos ang lalaki kaya nalunod sa kasagsagan ng bagyo.