PCO

PCO pinadali pag-anunsyo ng suspension ng klase dahil sa bagyo via digital hotline

Chona Yu Sep 5, 2024
119 Views

BUMUO ang Presidential Communications Office (PCO) ng digital hotline para mas mapadali ang pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase tuwing may bagyo.

Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, binubuo ang digital hotline ng Office of the Executive Secretary, Office of Civil Defense, Presidential Management Staff, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), Office of the Presidential Communications Office, Appointment Secretary, Department of the Interior and Local Government at Metro Manila Development Authority.

Ayon kay Chavez, mayroong focal person ang digital hotline na mula sa Office of the Executive Secretary at PCO.

Target ni Chavez na mailabas ang anunsyo ng class suspension bago mag alas-4:00 ng umaga.

“We will take the risk kapag nagsabi kami before 4:00 a.m. meron ng suspensyon ng klase ng gobyerno or private kung sakasakaling may gano’n man.

We will take the risk kahit pag 9:00-11:00 ng umaga umaraw. We will take the risk,” pahayag ni Chavez.