Drugs Timbog ang 16 katao, kabilang ang hinihinalang 15 tulak ng droga, sa magkakahiwalay na simultaneous anti-criminality law enforcement operation (SACLEO) sa Nueva Ecija noong Huwebes at Biyernes. Nasamsam ang P464,600 na halaga ng shabu sa operasyon. FB photo

P.4M shabu, 2 baril, 16 suspek sa iba’t ibang krimen nalambat sa Ecija

Steve A. Gosuico Sep 6, 2024
72 Views

CABANATUAN CITY–Umaabot sa P464,440 halaga ng shabu, dalawang hindi lisensyadong baril at 16 na suspek sa iba’t-ibang krimen ang nasilo ng mga pulis sa siyudad na ito sa simultaneous anti-criminality law enforcement operation (SACLEOs) noong Huwebes at Biyernes.

Sa Gapan City, iniulat ni Lt. Col. Wilmar Binag, hepe ng pulisya, kay Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino na inaresto ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek na tulak ng droga sa buy-bust sa Brgy. Mangino dakong alas-12:10 ng madaling araw noong Biyernes.

Nakuha sa mga nahuli na sina alyas Noel, 44, at alyas White, 43, ang isang unlicensed cal. 9mm pistol, tatlong bala at 57 gramo ng shabu na may halagang P387,600.

Arestado din ang 11 iba pang hinihinalang tulak sa Cabanatuan City, Bongabon, Cuyapo, Lupao, Quezon, San Antonio, Llanera, Rizal, Carranglan at Santa Rosa.

Nasamsam sa nasabing operasyon ang 11.30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P76,840 at isang hindi lisensyadong cal.45 pistol at anim na bala.

Samantala, tatlo katao ang inaresto ng Lupao at Guimba police sa bisa ng arrest warrant dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 at estafa.