NCRPOPA

NCRPO Press Association naging tagumpay eleksyon ng opisyal, Board of Directors

56 Views

NAGING matagumpay ang eleksyon ng mga Officers and Board of Directors ng NCRPO Press Association na ginanap noong Huwebes, Setyembre 5,2024 sa NCRPO compound, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City

Nagsilbing Election Committee officers sina PMaj Myrna Diploma, PEMS Meridith Deus, kapwa ng NCRPO Public Information Office, at JR Reyes, isa sa mga director ng National Press Club.

Ang mga bagong opisyales ng NCRPOPA 2024-2026 ay sina President Lea Botones ng Remate; Vice President Neil Alcober, Daily Tribune; Secretary Nep Castillo, Bravo News; Treasurer Irwin Corpuz, Police Files Tonite; Public Relations Office Knots Alforte, MHE Balita ng Bansa; Sgt. At Arms Raffy Rico,Noon Break Balita at Fred Salcedo, DRP TV at Police Files Tonite.

Ang mga nagwaging director ay sina Gina Plenago (Bulgar); Jojo Sadiwa ( POLICE FILES TONITE ) ;Joseph Muego ( People’s Tonight ); Nolan Ariola ( Radio Veritas/ Leader News Philippines ); Lorenz Tanjoco (Radyo Pilipinas ), at Francis Soriano (Saksi Ngayon )

Ang NCRPO Press Association o NCRPOPA ay itinatag taong 2020 at may kabuuang miyembro na 23 mula sa ibat-ibang media organizations. Ang mga elected officers ay manunungkulan para sa year 2024 hanggang 2026.