PCCCI Nagtungo ang mga miyembro ng PCCCI at China embassy sa Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal upang mamahagi ng ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Enteng. Kuha ni Jon-Jon Reyes

1K biktima ni Enteng sa Antipolo may relief ayuda mula sa PCCCI, Chininese Embassy

Jon-jon Reyes Sep 8, 2024
26 Views

NAGPASALAMAT ang 1,000 pamilya na biktima ng bagyong Enteng at habagat sa Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal sa ipinagkaloob na relief goods ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (PCCCI) at Chinese Embassy.

Namahagi ang grupo sa nasabing lugar sa pamumuno nina President Arian Hao, Vincent Chan at mga kasamahan nito na pawang mga negosyante.

Namigay ng tig-5 kilong bigas, isang kahon ng noodles para sa mga nasalanta ng bagyong Enteng ang grupo.

Ayon kay Hao, iyon na ang kanilang pang-limang relief operation. Una silang nagbigay ng ayuda sa nakalipas na bagyong Carina sa Tondo, Mandaluyong at sa Bicol.

Layunin ng kanilang relief operations na ipakita sa mga Pilipino ang kanilang malasakit sa panahon ng kalamidad.