Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jojo Cesar Magsombol
Jun 6, 2026
100
Views

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Pinarangalan ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) si P/Col. Heintje Cañete para sa natatanging panunungkulan bilang regional chaplain ng PRO 4A.
Iginawad kay Cañete ang Medalya ng Kasanayan bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon sa pastoral na pangangalaga at pagpapalakas ng espiritwal na kapakanan ng mga pulis sa rehiyon.
Ginawaran din siya ng perpetual trophy of recognition dahil sa kanyang pamumuno na nag-angat sa Regional Pastoral Office 4A bilang epektibong administrative support unit.
Sa kanyang gabay, umunlad ang mga programang espiritwal at mga inisyatiba sa paghubog ng tamang asal para sa pangkalahatang kapakanan ng mga pulis.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

