Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Mabini seniors tatanggap ng ayuda, gamot
Jon-jon at C.J Reyes, Aliño
Jun 6, 2026
265
Views

MABINI, BATANGAS – Mamamahagi ng cash benefits sa bayang ito sa lahat ng rehistradong senior citizen sa ilalim ng programang “Larga Senior Citizens!”
Sina Mayor Noel “Bitrics” Luistro at Vice Mayor Jose Nelson Hernandez ang mangunguna sa bigayan, katuwang ang Sangguniang Bayan ng Mabini.
Magsasagawa rin ang Mabini Rural Health Unit (RHU) ng libreng medical checkup at pamamahagi ng mga libreng gamot.
Pinapaalalahanan ang lahat ng mga lolo at lola na dadalo na magdala ng isang valid ID at isang photocopy para sa maayos na pagproseso.
Para sa mga senior citizen na hindi makadadalo, tiniyak ng lokal na pamahalaan na magtatakda ito ng hiwalay na petsa at lokasyon para sa home or personal distribution ng ayuda.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

