Calendar
Bayanihan naipapakita sa Brigada Eskwela
LUNGSOD NG BATANGAS – Ang Brigada Eskwela ay isang magandang pagkakataon upang maipakita ang diwa ng bayanihan para sa ikabubuti ng mga kabataan.
Ayon kay Konsehal Arthur Blanco, sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, nalilikha ang malinis, ligtas at maayos na kapaligiran.
“Taos-puso kong pinasasalamatan ang lahat ng naglalaan ng kanilang oras, lakas at kakayahan upang maging matagumpay ang programang ito. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad,” sabi ng pulitiko.
“Nawa’y patuloy nating suportahan ang mga programa at gawaing naglalayong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa ating lungsod at sama-sama nating ihanda ang ating mga paaralan para sa isang ligtas, masaya at makabuluhang taon ng pag-aaral,” dagdag pa ng konsehal.
