Tsino Inaresto ng mga operatiba ng J.Bocobo-PCP MPD Station 5 ang isang Chinese national matapos manuntok ng court sheriff sa loob ng LA Cafe Bar sa Ermita, Manila. EDD REYES

Chinese nat’l dinampot matapos manuntok ng sheriff

Jon-jon Reyes Jun 5, 2026
32 Views

HIMAS-rehas ngayon ang Chinese national na inaresto matapos sapakin ang court sheriff sa LA Cafe Bar sa M.H. Del Pilar St. corner Salas St., Malate, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si Yin Jin Piang, 28, na nakulong ng makakasuhan ng physical injury ng biktimang si alyas Raymundo, 57.

Ayon sa mga pulis, bandang alas-3:10 ng madaling araw nangyari ang pananakit ng magkasalubong ang suspek at biktima sa may banyo.

Habang binabagtas ang pasilyo, nakasalubong ng biktima ang suspek na naglalakad sa kabilang direksyon at saglit na humarang sa daanan.

Bigla na lang sinuntok ng suspek ang biktima sa kanang parte ng noo kaya bumagsak ang biktima sa semento.

Lumabas ng establisyimento ang suspek at ang kasama nito pero hinabol ng biktima at ng kanyang mga kasama at humingi ng tulong sa mga rumespondeng pulis kaya naaresto.

Bigo ang suspek na ipakita ang kanyang pasaporte o anumang identification card upang maipakita ang kanyang pagkakakilanlan.