Cong. Rolando

BPSF di natinag paghahatid serbisyo sa balwarte ng mga Duterte — Valeriano

Mar Rodriguez Sep 8, 2024
74 Views

Speaker Romualdez Speaker Romualdez𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 – 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗶𝘀𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘆𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝘄𝗮𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶-𝘀𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘆𝘂𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗰𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻.

Pagdidiin ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na marahil kahit “harangan pa ng sibat” ay wala na talagang makakapigil at makaka-awat sa paglilingkod na ginagawa ng BPSF sa pamamahagi nito ng cash assistance at iba pang mga tulong para sa libo-libong mahihirap na mamamayan sa iba’t-ibang lalawigan.

Sinabi ni Valeriano na sa kabila ng pagiging balwarte ng mga Duterte ang Davao City, wala pa ring nakapigil sa BPSF upang maghatid ng tinatayang nasa P1.2 bilyong halaga ng cash assistance para sa mahigit 250,000 benepisyaryo sa pamamagitan ng 57 programa at serbisyo. Kabilang na dito ang ipinamahaging P1 bilyong tulong pinansiyal para sa libo-libong benepisyaryo o mga residente ng Davao City.

Ipinaabot ng kongresista ang kaniyang pasasalamat at paghanga para kina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa kanilang walang kapaguran at walang sawang pagbibigay ng hindi matatawarang serbisyo para sa napakaraming mahihirap na mamamayan at naghihikahos na pamilya na nababahaginan ng tulong at financial assistance mula sa BPSF.

Si Valeriano ay laging present sa mga events ng BPSF sa iba’t-ibang lalawigan na dinadayo nito. Ipinahayag pa nito na naisakatuparan ang pagtutulungan sa pagitan ng BPSF National Secretariat at Mindanao Development Authority (MinDA) para matulungan ang mga mahihirap na mamamayan ng Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao na tinaguriang “MindaNOW: Serbisyo Para sa Mindanao”.

Bahagi ng serbisyo ang patuloy na payout sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagkaroon din pay-out para sa mga benepisyaryo ng Tulong Pang-Hanapbuhay sa ating Disavantage / Displaced Workers (TUPAD) Program sa ilalim naman ng Department pf Labor and Employment (DOLE) at iba pang mga tulong.

𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆