Lacson suportado fuel price adjustment ng DOE
Apr 21, 2026
6 sugatan sa truck na nahulog sa bangin
Apr 21, 2026
Calendar
Provincial
4 na Chinese nat’ls na kinidnap nailigtas sa Batangas
Jojo Cesar Magsombol
Sep 9, 2024
480
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Apat na Chinese nationals na umano’y dinukot sa Pasay City ang nailigtas ng mga pulis sa bypass road sa Brgy. Balagtas, Batangas City.
Sa imbestigasyon, dinukot sa isang lugar sa Pasay ang mga nailigtas na sina Wang Lan Lai, 32; Wang Qing Feng, Nang Ze Cheng, 31; at Chen Wei Wei ng mga hindi nakikilalang kapwa nila Chinese at isinakay sa hindi kilalang sasakyan.
Natagpuan ni Jorson Daquipa Cabañeros, 31, security guard ng Toyota Motors pasado alas-3:45 ng umaga ang mga Tsino na naka-blindfold, may duct tape sa bibig at naka-zip-tied ang mga kamay.
Nakatakas umano sa kanilang abductors ang apat at humingi ng tulong sa mga duty security guard ng Toyota-Batangas.
6 sugatan sa truck na nahulog sa bangin
Apr 21, 2026
Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
10 NPAs todas sa militar
Apr 20, 2026
Bagong chief of staff ng Laguna ipinakilala
Apr 20, 2026

