Calendar
Denise Laurel marami na ang nakaka-miss
MARAMI ang nakaka-miss ngayon sa singer-actress na si Denise Laurel who will be celebrating her 37th birthday sa darating na September 30.
Si Denise ay pamangkin ng veteran singer-actor na si Victor Laurel, apo ng dating Vice-President ng Pilipinas na si Salvador `Doy’ Laurel at ng singer-painter at dating theater actress na si Celia Diaz-Laurel. She’s also the great-granddaughter ng dating Presidente ng Pilipinas na si Jose P. Laurel and also great granddaughter ni dating Presidente Manuel Roxas.
Denise was discovered by Mr. M (Johnny Manahan) in a musical play under Repertory Philippines and was brought to ABS-CBN kung saan siya naging bahagi ng youth-oriented program na “Ang TV2” na naging simula ng kanyang showbiz career at kasunod na rito ang ilang teleserye including “Pangako sa `Yo”.
Naging bahagi rin rin siya ng “Rouge” ng MTV Asia in Singapore which was shown all over Asia.
Sandaling natigil ang career ni Denise when she gave birth to her son na si Davian Alejandro (13) nung 2011 courtesy of her former Italian-American boyfriend who proposed marriage to her pero ito’y kanyang ipinagpaliban hanggang sa sila’y tuluyang magkahiwalay. Then dumating sa kanyang buhay ang (dating) PBA player na si Sol Mercado, isang Filipino-Puerto Rican na isinilang sa Amerika. Filipina from Pampanga ang ina ni Sol at Puerto-Rican naman ang kanyang ama.
Sa simula ay naging maganda ang kanilang relasyon at pagsasama ni Sol who (also) proposed marriage to her in 2013 pero sila’y nagkahiwalay in 2016 na si Sol na mismo ang nag-initiate ng kanilang break-up and called-off the engagement.
During the time ng kanilang relasyon ay may pagkakataon na sila’y nagkahiwalay pero muling nagkabalikan until their final break-up in 2016. Sol became very close sa anak ni Denise na si Alejandro. He even treated Denise’s son as his own.
It was in September 29, 2021 nang parehong i-announce nina Sol at dating beauty queen na si Sandra Lemonon (2020 Miss Universe Philippines) that they’re in a relationship and got engaged the following year and welcomed their son na si Zaiah Rafael on same year. Pero nitong September 8, 2024 lamang sila nagpakasal sa Bali, Indonesia.
Nananatili namang tahimik lamang si Denise at walang alam ang publiko if she’s into a new relationship now.
Madalas makita si Denise hosting various K-Pop concerts in the Philippines pero tahimik ito lately sa paggawa ng teleserye.
Si Denise ay bunsong anak nina David Laurel at Ruby Sanz. Ang kanyang ina ay apo ni Don Francisco `Paco’ Sanz, dating gobernador ng Romblon at Palawan at apo rin ni dating Pangulong Manuel Roxas kaya hindi maku-question ang pedigree ng singer-actress.
Korean aktor sa Pinas na naka-base
ANG Korean actor na si Kim Ji Soo ay sa Pilipinas na naka-base matapos itong lumagda kamakailan lamang ng kontrata with Sparkle GMA Artists Center. He appeared on the recently-concluded action-drama series na “Black Rider” na pinagbidahan ni Ruru Madrid at nagkaroon din siya ng guest appearance sa long-running hit afternoon drama series na “Abot Kamay na Pangarap” and also appeared sa star-studded GMA gala not too long ago.
First movie bale ni Ji Soo (as he is known) sa Pilipinas ang first team-up nila ng Kapamilya young star na si Alexa Ilacad, ang “Mujigae” kung saan ipinapakilala ang child star na si Ryrie Turingan playing the title role. May special participation din sa nasabing movie si Rufa Mae Quinto. Ito’y mula sa panulat ni Mark Raywin Tome and produced ng UXS at pinamahalaan ni Randolf Longjas. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ng SM nationwide sa darating na October 9 kung saan makakasabay nito ang palabas ng pelikulang suspense-thriller movie ng Viva Films, ang “Pasahero” kung saan tampok na mga bituin sina Bea Binene, Louise de los Reyes, Mark Fernandez, Andre Yllana at iba pa mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr.
Samantala, marami ang nagtataka kung balik nag-relocate sa Pilipinas si Ji Soo sa halip na kanyang ipagpatuloy ang kanyang acting career sa South Korea kung saan siya unang nakilala.
Ji Soo was involved in a 2021 school scandal pero ito’y na-resolve na.
Ang Korean actor ay isa ring vlogger at ang titulo ng kanyang vlog ay “Jisoo Road”.
Tampo ni Carlos mukhang malalim na
NAKALULUNGKOT isipin na habang patuloy na ipinagbubunyi ng buong Pilipinas ang back-to-back gold win ng award-winning gymnast na si Carlos Yulo sa nagtapos na Summer Olympics in Paris, patuloy din ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang pamilya hanggang ngayon.
Sa halip kasi na personal na ayusin ni Carlos ang kanilang hidwaan ng kanyang pamilya sa pribadong pamamaraan ay idinadaan nila ito sa social media.
Mukhang malalim na ang tampo o galit ni Carlos sa kanyang pamilya laluna sa kanyang inang si Angelica Yulo na nakialam umano sa kanyang pera nang wala siyang alam.
Maging ang ama ni Carlos na si Mark Andrew ay sumali na rin sa hindi unawaan ng pamilya at ipinagtatanggol ang ina ni Carlos na hindi umano ito `magnanakaw’.
Sa halip kasi na tumulong pa ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na maayos ang problema, ang paniniwala ng iba ay gumagawa pa ito ng dahilan para lalong magalit si Carlos sa kanyang pamilya laluna sa kanyang ina.
Kung tutuusin, kahit anupang samaan ng loob meron si Carlos sa kanyang ina at pamilya, walang ibang makaka-resolba nito kundi sila-sila rin.
Bakit hindi dalawin ni Carlos ang kanyang pamilya at mag-usap sila nang masinsinan nang maayos ang kanilang hidwaan?
Sa rami ng nakikisawsaw sa problem ani Carlos sa kanyang pamilya ay lalo lamang ito lumalala sa halip na maayos.
Dapat magpakumbaba si Carlos sa kanyang pamilya with all the blessings na patuloy na dumarating sa kanya.
Bukod sa Diyos at sa bansang Pilipinas, dapat ay kanyang pasalamatan ang kanyang pamilya kung saan siya nagsimula.
Mas buo ang paghanga sa kanya ng sambayanang Pilipino kung magiging okey sila ng kanyang pamilya at lalong magiging magaan ang daloy sa kanya ng blessings kahit isa na siyang multi-millionaire ngayon.
Maging sa mata ng Diyos ay maging kapuri-puri siya kung sila’y magkakaayos at magkakapatawaran ng kanyang pamilya at magkakaroon silang lahat ng peace of mind.
Sana lamang ay maisip at ma-realize ito ni Carlos.
Bela mula London balik Pilipinas
IS Filipina-British actress, writer, director, producer and entrepreneur Bela Padilla moving back to the Philippines matapos niyang mag-relocate sa London nung November 2021?
Lately ay naging guest host siya ng noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”. She also had a special guest appearance sa hit primetime family drama series na “Pamilya Sagrado” kung saan lumalabas na ang kanyang character ang naging kasintahan ng role na ginagampanan ni Piolo Pascual as Rafael Sagrado at nagbunga ang kanilang pag-iibigan na si Moises Malonzo (portrayed by Kyle Echarri).
It was last September 9 nang i-launch ni Bela ang kanyang bagong beauty product line, ang “Bela by Bela” which include lip tints, cheek tints and lip balms.
Since nasa pangangalaga pa rin siya ng Viva Artists Agency, malamang na magkaroon siya ng bagong TV and movie projects.
It would be very costly on her part kung magpapabalik-balik siya ng London at Pilipinas each time meron siyang assignment sa Pilipinas.
Bela is still very much in a relationship with her Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay na hinihintay ng marami ang proposal sa actress.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoy