Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Shabu

4 na suspek na tulak arestado sa dalang P6M shabu sa Rizal

196 Views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO GERONIMO, Taytay, Rizal–Apat na suspek na tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga pulis na may dalang mahigit isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.86 milyon sa Sitio Malabon, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal noong Miyerkules.

Naaresto sa mga suspek na sina alyas Oscar, alyas Verly Ann, alyas Sittie Aina, at alyas Liga sa pangunguna ni P/Maj. Mark Philip Amedilla at P/Lt. Marlon Sy, ayon kay Rizal police director P/Col.Felipe Maraggun.

Ayon kay Maraggun, nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit kumulang sa 1,010 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may halagang P6.86 milyon, anim na bundle ng boodle money na may isang tunay na P1,000 bill, buy-bust money, bag, national ID, weighing scale, iPhone 15 Pro Max, Samsung Fold 6 at itim na Innova (NFY 6517).