BBM3 Namahagi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinansyal na ayuda sa nga mangingisda sa Navotas na naapektuhan ng oil spill Source: PCO

Mangingisda ng Navotas nakatanggap ng regalo mula kay PBBM

Chona Yu Sep 12, 2024
57 Views

MAY regalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mangingisda sa Navotas.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng ayuda sa Navotas na dinagdagan niya ang tulong ng pamahalaan sa halip na tig P5,000 ginawa niya itong P7,500.

Ikinatuwa ng mga mangingisda ang regalo ni Pangulong Marcos.

“Dahil doon panay ang bati sa akin ng ating butihing mayor at ang ating kongresista. Kayo naman naramdaman ko na birthday ko baka pagsuspetsahan ninyo ako na pagka-Ilocano ko lumalabas na kuripot.

Kaya ‘yung ibibigay natin na P5,000, dagdagan na natin, gawin na nating P7,500,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ipinagdiriwang ni Pangulong Marcos ang kanyang ika-67 na kaarawan sa Setyembre 13. Nasa 8,600 mangingisda sa Navotas ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Presidential Assistance to Fisherfolk and Families (PAFF).

“Ang tulong na ating ipapamahagi ngayon hindi lamang simbolo ng suporta, kundi ng ating paninindigan na hindi natin pababayaan ang ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng pangangailangan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namigay din ang tanggapan ni Speaker Martin Romualdez ng tig-limang kilo ng bigas.