Gabby

Gabby di mabilang masasayang ala-ala nila ni Sharon

Ian F Fariñas Sep 21, 2024
92 Views

SA Lunes, September 23, 30th wedding anniversary na sana ng ex-couple na Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung hindi sila nagkahiwalay. Matatandaan na Sept. 23, 1984 ikinasal ang noo’y hottest reel/real-life pair sa Manila Cathedral.

Kaya naman ang kanilang fans, na aktibo pa ring sumusuporta sa kanila hanggang ngayon, nagbabalak ng malaking selebrasyon, lalo pa nga’t tuloy na tuloy na ang muling pagsasama ng ShaGab sa “Dear Heart” US/Canada tour sa October at November.

Nang hingan si Gabby ng reaksyon sa balak ng fans, sinabi ng Kapuso actor na, “Wow, parang it’s all coming back to me now, hahaha! Wala lang, hintayin na lang natin kung ano ‘yung babalik. Pero one thing’s for sure, wala tayong ibang gagawin kundi mag-enjoy lang.”

Aniya, marami rin naman siyang masasayang alaala nang sila pa ni Mega.

“Mahirap bilangin, eh. Hindi lang iisa, eh. Siyempre, masaya. Pinasok namin ‘yan, nandidiyan kami once upon a time and it’s nice. Maraming magagandang nangyari,” patuloy niya.

If at all, excited umano si Gabby sa walong shows na gagawin nila abroad dahil first time niyang makaka-experience ng ganito karaming leg sa concert tour.

Iikutin ng ShaGab ang US at Canada para sa shows sa October 26 sa Harrah’s Resort Southern California; October 27, Saban Theatre sa California; November 2, The Meeting House sa Canada; November 15, Thunder Valley Casino Resort sa Canada; November 17, Westgate Las Vegas Resort & Casino sa Las Vegas; November 21, Club Regent Events Centre sa Canada; November 23, the Hawaii Convention Center sa Honolulu; at November 29 sa Chandos Pattison Auditorium, Canada.

Ayon sa producer na si Nancy Yang ng NY Entourage Productions, pwede pang madagdagan ang walong concert dates.

For his part, siniguro naman ni Gabby na mag-i-enjoy lang sila sa performance at pulos feel-good ang energy sa show. Looking forward din daw siya na makapag-show sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan tulad ng UAE.

“I always look forward to what comes out of this. And it’s always positive. ‘Yun ang aking hope. Na anthing that happens after this would be and should be for the good. Whatever it is. We’re moving forward,” sabi pa niya.

Matapos daw kasi ang tatlong una nilang pagsasama ni Sharon sa MOA, Okada at Cebu, mas naging malapit sila sa isa’t isa.

Paliwanag ng aktor, “Well, hindi ko inaasahan na, of course, magiging katulad dati. Pero at least, napag-uusapan namin. Nag-uusap na rin kami about certain things na hindi namin napag-uusapan.”

Para nga raw alon ang pakiramdam nang una silang mag-concert.

“Alam mo ‘yung feeling na parang alon? ‘Yung alon na sunud-sunod ang pasok ng waves. Ganu’n ’yung feeling. Ang daming nangyayari na hindi mo aakalaing mangyayari.

Of course, maganda naman ’yung feeling. I just hope it never stops. ‘Yung hashtag ‘feel good only,’ ‘di ba?”

Binalikan din ni Gabby ang isa sa mga naging highlight ng “Dear Heart” sa MOA, kung saan kinilig ang audience nang magtago siya sa “higanteng” manggas ng itim na gown ni Sharon.

“Eh, kung ano, malaki rin, eh, di… kung malaki masyado, di buong katawan ko na papasok du’n,” natatawang sey niya. “Pero at least, ‘yung ginawa ko noon, I just saw an opportunity na baka… baka funny, baka lang, ’no? Eh, mukhang natuwa naman ‘yung mga audience. ‘Di ko naman plinano ’yon, eh, nakita ko lang. Kasi habang kumakanta ako, parang feeling ko nasasapawan ako nu’n kaya nagtago na lang ako. Wala naman sa plano ’yon kasi hindi ko naman alam kung ano ang susuotin niya. Wala naman kaming dress rehearsals,” paliwanag niya.

Seriously, nata-touch pala si Gabby tuwing naiiyak si Sharon on stage.

Pag-amin ng aktor, “Siyempre, nakaka-touch din naman ‘yon, ‘di ba? There’s a part of us siyempre na ire-recall mo because meron kaming pinagsamahan, ‘di ba? Basta ang hangad ko lang is sana everybody enoys the show. We’re all in this together to have fun and be open to each other. And the fans mai-enjoy nila as well as kami rin ni Sharon and ’yung staff and ‘yung mga supporters namin.”