Ka Leody de Guzman

Ka Leody sang-ayon sa ‘deep probe’ set up ng SMNI

Nelo Javier Mar 27, 2022
249 Views

SA halip na debate na kadalasan ay limitado ang oras, ikinatuwa ni presidential candidate Ka Leody de Guzman ang kanyang pagharap sa The Deep Probe presidential interview ng SMNI sa Okada Hotel sa Parañaque.

Tila nagkatugma naman ang pahayag ni de Guzman sa matagal nang panawagan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dapat ay hayaang makapagpaliwanag ang mga kandidato ng kanilang plataporma at hindi limitahan ang oras.

Ayaw rin ni Marcos ng debate na kadalasan ay nauuwi lamang sa batuhan ng putik.

Giit ni Marcos mas mahalaga na maipaalam sa publiko ang programa ng kandidato at hindi ang maruming pulitika.

Kapwa sang-ayon sina de Guzman at Marcos sa format ng SMNI na The Deep Probe na hinayaan ang mga kandidato na maglahad ng kanilang programa ng walang time limit.

“Ang maganda dun walang bell kaya na-express ko lahat ang gusto kong sabihin,” ani De Guzman pagkatapos sumalang sa The Deep Probe.

“Maraming salamat sa SMNI at ako’y natutuwa dahil hindi na debate. Mas nakaklaro ang tindig sa mga isyu at plataporma,” dagdag pa niya

Bukad kay de Guzman at Marcos sumalang din sa The Deep Probe sina dating Defense Sec. Norberto Gonzales, at dating presidential spokesperson Ernesto Abella.

Katulad ng naunang presidential debate ng SMNI, hindi ulit dumalo sina Leni Robredo, Ping Lacson, Manny Pacquiao at Isko Domagoso.

Maraming political observer ang nagsabi na ang dahilan kung bakit ayaw dumalo nina Leni at iba pa sa SMNI ay sapagkat takot silang ma-interview ni Prof. Clarita Carlos na kilalang istrikto at malalim magbigay ng tanong.

“Nababahag ang buntot nila kay Prof. Carlos dahil hindi nila alam kung ano ang itatanong sa kanila,” sabi ng source na consultant sa kampo ng isang presidentiable.