Sara

Mayor Sara hindi natinag sa no. 1 spot ng VP race

256 Views

HINDI natinag si Davao City Mayor Sara Duterte sa number 1 spot ng survey para sa bise presidente na isinagawa ng The Issues and Advocacy Center.

Batay sa resulta ng Pulso ng Pilipino survey na isinagawa mula Marso 7-13, nakakuha si Duterte ng 48.75 porsyento.

Ito ay halos doble ng 25.5 porsyento na nakuha ng pumapangalawang si Senate President Tito Sotto III.

Pangatlo naman si Doc Willie Ong na may 10.75 porsyento at sumunod si Sen. Kiko Pangilinan na may 8 porsyento. Si Buhay Party-list Rep. Joselito Atienza ay nakakuha naman ng 2.5 porsyento at sinundan ni Lito David na may isang porsyento.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents na tinanong kung sino ang kanilang iboboto sa pagka pangalawang pangulo.