Martin2 Makikitang binabati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Zamboanga del Sur 2nd District Rep. Victoria Yu matapos manumpa sa kanya bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes Lunes ng hapon. Nasaksihan ito ninanMajority Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Zamboanga del Sur 1st District Rep. Divina Grace Yu at Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino. Nanumpa rin bilang mga bagong miyembro ng partido sina Bukidnon 1st District Rep. Jose Manuel Alba at Iloilo 5th District Rep. Raul “Boboy” Tupas. Mga kuha ni VER NOVENO

Lakas-CMD patuloy na lumalakas; 3 pang mambabatas sumali

51 Views

Martin3Martin4TATLO pang kongresista ang sumali sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Dahil dito, umakyat na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga kasapi ng Lakas-CMD na miyembro ng Kamara de Representantes. Ito ay mahigit sa one-third ng kabuuang bilang ng mga kongresista sa kasalukuyan.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa nina Rep. Victoria Yu ng 2nd District ng Zamboanga del Sur, Rep. Raul Tupas ng 5th District ng Iloilo, Rep. Jose Manuel Alba ng 1st District ng Bukidnon, kasaa si Mayor JB Bernos ng La Paz, Abra.

Ayon sa pinuno ng Kamara na binubuo ng higit sa 300- kinatawan, ikinagalak niya ang pagsali ng tatlo pang mambabatas at ni Mayor Bernos sa Lakas-CMD.

“Their affiliation widens support in Congress and the grassroots for President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. and his Agenda for Prosperity and Bagong Pilipinas programs,” ayon kay Speaker Romualdez.

“I am sure that our new members share our and the President’s aspirations for a better life for our people and a more progressive Philippines,” dagdag pa nito.

Ang panunumpa nina Yu, Tupas, at Alba ay kasunod na rin ng paglahok sa Lakas-CMD nina Reps. Luz Mercado ng 1st District ng Southern Leyte, Ramon Nolasco Jr. ng 1st District ng Cagayan, at Belle Zamora ng Lone District ng San Juan City, Metro Manila, na nagdala sa bilang ng mga miyembro ng partido sa Kamara sa 106.

Kasabay na nanumpa nina Mercado, Nolasco, at Zamora ang iba pang kasalukuyan at dating lokal na opisyal na nagbabalak na tumakbo sa nalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.

Idinaos noong nakaraang Biyernes ang national convention ng partido na dinaluhan ng mga miyembro at opisyal, kung saan inihayag ni Speaker Romualdez ang pakikipag-alyansa ng Lakas-CMD sa koalisyon ng administrasyon na susuporta sa mga kansidato sa halalan sa Mayo, upang ipagpatuloy ang reporma at layunin ng pamahalaan.

“In 2025, we are not just fielding candidates – we are shaping the future. Lakas-CMD is proud to join the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, a multi-party administration alliance that will bring forth a formidable 12-man senatorial slate, as well as candidates for provincial, congressional, and city and municipal positions,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

“Together, we will represent a broad and inclusive movement that reflects the aspirations of every Filipino across our archipelago,” saad pa ng mambabatas.