Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Bala

Obrero nakaligtas sa pamamaril

Bernard Galang May 25, 2025
371 Views

HIMALANG nakaligtas sa kamatayan ang obrero na pinagbabaril ng dalawang nakatakas na salarin noong Sabado sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City acting police chief P/Col. Joselito Villarosa Jr. ang biktima na si Reynaldo Aquino, 35.

Ayon sa report, binaril ang biktima ng mga suspek na sina alyas Carlo at Niknok.

Tumakas ang mga armadong suspek matapos ang pamamaril at isinugod ang biktima sa JBL Memorial Medical Center na ngayo’y ligtas na sa panganib.

Narekober ng mga pulis ang dalawang basyo ng bala ng .45 pistol sa crime scene.