PBBM tinugunan hinaing ng mga komyuter, drayber
Apr 10, 2025
BI inanunsyo bagong OFW wing sa NAIA Terminal 3
Apr 9, 2025
Ayaw na sa toxic relatives
Apr 9, 2025
Calendar

Provincial
Manginginom tsinugi sa tagayan
Jojo Cesar Magsombol
Sep 28, 2024
214
Views
DEDBOL noong Biyernes ang isang lalake matapos pagbabarilin ng isang suspek habang nag-iinuman sa Sitio Maricacawan, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao, Jr.
Ayon sa report, nag-iinuman sa isang bahay kubo ang biktimang si Rumvic Samarita Manalo at ang mga suspek na sina alyas Romeo at alyas Severino dakong alas-4:20 ng hapon.
Makaraan ang ilang sandali at sa hindi pa malamang dahilan, bumunot ng baril ang isang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ng ilang beses ang biktima na nag-resulta sa agarang kamatayan.
Naaresto ang suspek na si alyas Romeo pero naka-eskerda sina alyas Severino at alyas Benjie patungo sa gubat.
Garcia: Di lahat ng bayani naka-uniporme
Apr 9, 2025
ABALOS BUMISITA SA LAGUNA
Apr 9, 2025