Calendar
Lalaki nasakote sa robbery, rape, light threats
LAGLAG sa kamay ng mga pulis ang isang suspek sa panghahalay na modus ang magkunwaring “screening agent” ng mga naghahanap ng trabaho sa tapat ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Ermita, Manila.
Namataan at nasukol ang suspek na si alyas John Cedrick ng Tagaytay St., Caloocan City.
Ayon kay Police Captain Veronica Apresurado ng Women and Children Concern Section, bandang alas-7:46 ng gabi nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa nasabing lugar.
Nahuli ang suspek sa tulong ng mga tauhan ni Meisic Police Station 11 Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas.
Modus ng suspek na nag-aalok ng trabaho sa mga babae na gusto niyang biktimahin.
Kapag may mag aaply na bebot, papupuntahin sa isang hotel at aalukin muna ng iinumin at makakain at saka sasabihin na nasa itaas ng hotel ang kanilang opisina.
Doon na niya gagahasain ang mga biktima at habang ginagahasa kinukunan ng celphone na gamit ng biktima.
Paulit-ulit niyang ginagawa ang modus sa mga nagiging biktima hanggang sa mabuking ng mga pulis mula sa isang FB online na panloloko.
Gayunman nahaharap ang suspek sa mga kasong attempted rape at light threats.
Kinasuhan ang suspek dahil sa rape, paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at robbery.
Napag alaman din na ang suspek inuugnay sa walong biktima na nagsumbong ng mga insidente sa Manila District Anti-Cybercrime Team mula Enero 2022 hanggang sa kasalukuyan.