Manny Lopez Manila Rep. Manny Lopez

Isko hinamon na sagutin isyu sa  pagkabenta ng Divisoria Market

Mar Rodriguez Mar 29, 2022
336 Views

HINAHAMON nang isang kongresista si Presidential Candidate at Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso Moreno na direktang sagutin ang isyu at kontrobersiyang ikinukulapol laban sa kaniya kaugnay sa ginawang pagbebenta ng City of Manila sa Divisoria Market sa halagang P1.45 billion.

Binigyang diin ni Manila Rep. Manny Lopez na mistulang “tsopeng manok” ang nasabing Alkalde. Sapagkat ang sinomang kandidato na pinupukol ng isang direktang tanong ay kinakailangan sumagot sa mga isyung ikinukulapol laban sa kaniya.

Partikular na aniya kung ang naturang isyu ay mayroong kinalaman sa mga naging aksiyon nito bilang Mayor ng Lungsod. Pinayuhan ng mambabatas si Moreno na huwag ilihis ang usapin sa halip ay direktang sagutin nito.

Ngunit sinabi ni Lopez na hindi direktang sinasagot ni Moreno ang isyu laban sa kaniya. Bagkos ay nililihis pa nito ang usapin sa pamamagitan ng pagdawit sa mga dati at namayapang Alkalde ng Manila na sina Mayor Mel Lopez at Mayor Alfredo S. Lim.

“When candidates are asked direct questions about their actions in office. I suggest that Mayor Isko should answer the questions directly and factually, do not deflect the questions by imputing malice on the acts of former Mayor Mel Lopez or Mayor Fred Lim,” ayon sa mambabatas.

Dinepensahan ng kongresista sina Lopez at Lim na walang kinalaman at kaugnayan sa pagkakabenta ng Divisoria Market. Kung saan, isa kina Lopez at Lim ang pinapatungkulan ni Moreno kung bakit naibenta ang nabanggit na palengke.

“The two of the most influential Mayors in the recent history of the City of Manila (Lopez at Lim) for actions done 30 and 36 years ago that have no relations to the sale of Divisoria public market which was consummated during the term of Mayor Domagoso. What is clear that the market was never sold during the term of Mayor Lopez and Mayor Lim,” sabi pa ni Lopez.

Iginigiit din ni Lopez na hindi umano niya hahayaan si Moreno na kaladkarin ang pangalan ng kaniyang yumaong ama (Dating Mayor Mel Lopez) sa nasabing kontrobersiya dahil hindi naman nangyari ang isyung ito noong kaniyang termino.

“I will not allow anyone to besmirch the name of dead father who served the people of Tondo and the City of Manila in various capacities faithfully and with complete honestly and dignity during difficult and often tumultuous times,” pagtatapos nito.