PCSO

Mananaya sa Antipolo nanalo ng P31.2M sa lotto

Arlene Rivera Mar 29, 2022
138 Views

ISANG mananaya sa Antipolo City ang nanalo ng P31.2 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCOS) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 25-41-35-39-14-26.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 26 mananaya na nakakuha ang lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P800 naman ang 1,115 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang napanalunan ng 18,081 na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kubrahin ang kanilang premyo.