PCAP

PCAP: Toledo chessers nagpasiklab

Ed Andaya Oct 6, 2024
365 Views

DUMAAN man sa matinding pagsubok, namayani ang Toledo Trojans sa 2024 PCAP-GM Wesley So Cup “Clash of North and South” chess team championships kamakailan.

Pinabagsak ng Toledo ang defending champion Pasig Pirates, 13-8, at San Juan Predators, 11-10, sa magkahiwalay na makapigil-hiningang sagupaan ng mga top teams mula South at North Divisions ng prestihiyosong kumpetisyon na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land and PCWorx.

Sumandal ang Trojans kina Ellan Asuela, na nakalusot kay GM Gombosuren Munkhgal, 2-1, sa board one; GM Alexsey Sorokin, na nanaig kay GM Mark Paragua, 3-0, sa board two; Melizah Ruth Carreon, na nagwagi kina Rowelyn Acedo at Sherily Cua, 3-0, sa board three; at GM Rogelio Antonio, Jr., na amayani laban kay IM Cris Ramayrat, 2.5-.5, sa board four.

Bahagyang nakabawi ang Pasig sa panalo nina Kevin Arquero laban kay Kim Steven Yap, 2-1, sa board five; at Jefome Villanueva laban kay Diego Abraham Caperino, 2-0, sa board seven.

Samantala, pinayuko din ng Toledo ang kapwa tigasing San Juan sa panalo ni Sorokin laban kay GM Rogelio Barcenilla, 3-0, sa board one; Asuela kontra Joel Banawa, 2-1, sa board two; at Yap k9ntra IM Rolando Nolte, 2.5-.5, sa board five.

Gayundin, tinablaham din ni Antonio amg magaling na San Juan import na si GM Viktor Moskalenko, 1.5-1.5.

Wagi naman sina Marie Antoinette San Diego at Narquinden Reyes para sa San Juan matapos pataubin sina Carreon (3-0), sa female board at Virgen Gil Ruaya at Joel Pimentel (3-0) sa board six.

Nagpakitang gilas din ang Northern Division contender Manila Load Manna Knights, na winslis ang Davao Eagles, 16-5, ar Iloilo Kisela Knights, 18-2.5.

Nanguna sina Yoseph Taher, David Elorta, Shania Mae Mendoza at IM Chito Garma sa panalo ng Manila laban sa Davao.

Ang PCAP, ang first and only play-for-pay chess league sa biong bansa, at pinangungunahan ni President- Commissioner Paul Elauria , at Chaiman Michael Angelo Chua.

Ang event ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).