BI Photo Bureau of Immigration

192 dayuhan na sangkot sa online scam, immigration violations tiklo ng BI

Jun I Legaspi Oct 6, 2024
82 Views

NASA 192 dayuhan ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa operasyon laban sa mga sangkot sa online scam at iba pang immigration violations noong Oct. 3 sa Sen. Gil Puyat Avenue extension at Macapagal Blvd. sa Pasay City.

Kabilang sa mga naaresto ang mga Chinese, Vietnamese at iba pang nationalities.

Kumilos ang BI laban sa mga suspek sa krimen kasunod ng ulat na may nagaganap na unauthorized employment at illegal activities ng mga dayuhan sa lugar.

Inilunsad ng mga tauhan ng BI Intelligence Division kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon.

Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang operasyon at tiniyak ang commitment ng ahensya sa pagpapatupad ng immigration laws at pagbibigay proteksyon sa borders ng bansa.