BBM

Kaso ng Pinoy na binitay sa Saudi halos 5-6 inilaban ng PBBM admin

Chona Yu Oct 8, 2024
50 Views

NALUNGKOT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbitay ng Saudi Arabia sa isang Filipino.

Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng paraan para maligtas sa parusang kamatayan ang Filipino na binitay

Ayon kay Pangulong Marcos, halos lima hanggang anim na taon nilang inilaban ang kaso ng Filipino.

Nalaman lang niya aniya ito ng manungkulan sa pwesto at sinabi sa kanya na matagal na ang naturang kaso.

May maliit na lamang aniya silang magagawa at wala na silang pagpipilian gawing, bagamat umapela din sila sa mga kaibigan nila sa Saudi na mayroong mabubuting puso para muling suriin ang kaso para masiguro na tama ang hatol .

Nilinaw din ni Pangulong Marcos na sa maraming taon ay sinikap din ng gobyerno ng Saudi na ang hatol ay nararapat at dahil mahigpit ang batas doon at napatunayan ang hatol kaya nabitay ang Filipino..

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ibibigay ang lahat ng kailangang legal para maiuwi dito sa bansa ang bangkay ng Filipino.

Nagpahayag naman ng pakikiramay at dasal si Pangulong Marcos sa pamilya ng nasawi.

“We will of course our thoughts and prayers are with them and we…I…there is nothing one can do to make to whole. but we will do our best,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang binitay na Filipink ay may kasong murder dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.