DA

DA pansamantalang pinagbawal pag-angkat ng Turkiye meat products

Cory Martinez Oct 8, 2024
55 Views

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat mula sa bansang Turkiye ng mga hayop at kanilang mga produkto na hinihinalang apektado ng foot-and-mouth disease (FMD) virus.

Sa Memorandum Order 42 na inilabas ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinag-utos ang import ban matapos na iulat ng Türkiye na mayroong outbreak ng FMD noong Set. 9 sa Cugun, Merkez, Kirsehir, na kung saan apektado ang kanilang mga baka.

“We’re imposing an import ban to mitigate the risk of FMD transmission to our local animal population,” ani Tiu Laurel.

Mananatili ang import ban hanggang ma-aassess ng DA na hindi na delikado mula sa FMD ang populasyon ng lokal na hayop.