Concio Concio, Arca, Mendoza palaban sa Asian Juniors and Girls Chess Championships sa Tagaytay.

Concio, Arca, Mendoza hindi palulupig sa Asian Juniors

Ed Andaya Oct 11, 2024
131 Views

TAGAYTAY — Bagamat matindi ang hinaharap na laban, buo ang loob na sasabak sina World Cup campaigner IM Michael Concio Jr., FM Christian Gian Karlo Arca Jemaicah Yap Mendoza sa Asian Juniors and Girls Chess Championships simula Sabado, Oct. 12 sa Knights Templar Hotel.

Pangungunahan ni Concio, na kasalukuyang highest-ranked junior player sa bansa sa kanyang ELO 2368, at Arca ang pitong iba pang Filipino players sa boys division ng prestihiyosong tournament na itinataguyod ng Asian Chess Federation sa pakikipagtulungan ng Tagaytay City government sa ilalim ng father and daughter tandem nina Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino at ngayon ay Cavite Governor Athena Tolentino.

Ang 18-year-old na si Concio ay maaalala sa kanyang kampanya sa 2021 World Cup sa Sochi, Russia, na kung saan tinalo siya 2-0 ni Aravindh Chithambaram ng India sa first round.

Gayundin, ang Information Systems student sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas sa Cavite, Concio ay nanalo sa first Marinduque National Chess Championship nung March at 64th San Carlos Charter Day Open rapid chess tournament sa San Carlos City, Negros Occidental nung June.

Samantala, si Arca ay galing sa matagumpay na kampanya sa grandmaster tournament sa Quang Ninh, Vietnam nung May.

Ang 15-year-old na si Arca aybwalang bahid sa kanyang total.score na six points mula tatlong panalo at anim na tabla.

Sa kasalukuyan, si Arca ay ranked No. 4 sa mga local junior players sa kanyang ELO 2199.

Ang iba pang mga Filipino na kalahok sa nine-round event na gaganapin sa popular resort city na kilala din sa world-famous Taal Volcano ay sina Andrei Ainsley Dolorosa, Davin Sean Romualdez, Phil Martin Casiguran, Andrew James Toledo, Danry Seth Romualdez, Zeyus Kyle Del Mundo at Marius Constante.

Sa female division, si World Age Group Championship-bound Jemaicah Yap Mendoza ng Sta. Rosa City, Laguna ang mangunguna sa kampanya ng bansa kasama sina Apple Rubin at Arleah Cassandra Sapuan.

Nakatakdang katawanin ni Mendoza ang bansa sa Under-14 category ng World Age Group Championship sa Florianópolis, San Carlos, Brazil sa Oct.28-Nov. 10.

Tatangkain ni Mendoza na masungkit ang kanyang WIM title at unang WGM norm.

Ang Grade 7 student sa Leon C. Arcillas National High School ay nakasungkit ng kanyang WFM title sa Eastern Asia Youth Championship sa Bangkok, Thailand nung November 2022.

Higit 50 players, sa pangunguna nina top seeds GM Aleksey Grebnev ng Russia at WIM G. Tejaswini ng India, amg magtatagisan ng galing.

Sa boys, mamumuno sina.second seed IM Krishna Rohith, na may ELO 2474 at third seed IM Aswath S., na may ELo 2473.

Kasama din sa boys division sina No. 6 seed CM Yas Bharadia (ELO 2415), No. 8 FM Arjun Adireddy (ELO 2342) and No. 9 IM Anto Cristiano Manish (ELO 2323).

Bukod kayTejaswini, inaabangan din sa girls division sina.No. 2 WIM Anna Shukhmann ng Russia, No. 3 WIM Zeinep Sultanbek ng Kazakhstan, No. 4 WFM Devindya Oshini Gunwardhana ng India, No. 5 WFM Kristina Popandopulo ng Kazakhstan, No. 6 Halder Sneha ng India, No. 7 WFM Gupta Shubhi of India, No. 8 WFM V. RIndhiya ng India, No. 9 Mukherjee Bristy ng India at No. 10 Hoang Tu Kin Kuong ng Vietnam.

Kalahok din si WFM Devindya Oshini Gunawardhana ng Sri Lanka, na nanalo sa Under-12 category sa FIDE World Cadets Chess Championship sa Egypt nung nakalipas na taon.

Si IA Patrick Lee ang chief arbiter, katuwang sina IA Ricky Navalta bilang deputy chief arbiter at Michael Joseph Pagaran, Dr. Fred Paez, Hubert Estrella at Byron Villar bilang arbiters