Frasco7 NAGPULONG sina Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco at Department Interior Local Government Secretary Jonvic Remulla kaugnay sa mga critical tourist courts project ng DOT.

DOT, DILG chiefs nagpulong para sa tourist courts, tourist-related projects

Jon-jon Reyes Oct 12, 2024
95 Views

NAGPULONG sina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Department Interior Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para sa mga tourist-related projects noong Biyernes.

“Lahat kami natuwa sa balita ng inyong appointment knowing how close your heart is to LGUs, and that is exactly the approach that we tried here at the Department of Tourism since galing din ako sa LGU,” sabi ni Tourism Secretary Frasco.

Iminungkahi ni Secretary Frasco ang bagong flagship project kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang Punong Ehekutibo mismo ang sumang-ayon na ang DILG, ang Philippine National Police (PNP), at ang Department of Justice (DOJ) dapat makipagtulungan sa DOT upang imbestigahan at usigin ang mga krimen na may kaugnayan sa mga turista.

Ang konsepto ng mga korte ng turista hindi bago sa industriya.

Kabilang sa mga bansang may itinatag na mga korte ng turista ang Thailand, China at United Arab Emirates (UAE).

Iminungkahi ni Remulla na ang mga destinasyong makapal ang populasyon maaaring maging pilot area para sa mga tourist courts.

Itinaas din niya ang ilang mahahalagang punto na may kaugnayan sa kung paano mas mahusay na maisagawa ang proyekto.

Ang DILG matagal nang katuwang ng DOT sa mabuting pamamahala.

Ang isa pang mahalagang bagay na tinalakay sa pulong ang pagpapalakas at karagdagang pagsasama-sama ng National Tourism Oriented Police For Community Order and Protection (TOPCOP) Program, isang matagal nang collaborative partnership sa pagitan ng dalawang ahensya, upang palakasin ang police visibility sa mga strategic tourist destinations sa bansa.

Nagsasagawa rin ang DOT ng mga training session para sa barangay tanod at barangay intelligence networks bilang police multipliers.

Tinalakay din ng mga kalihim ang kinakailangang akreditasyon ng mga negosyo sa turismo at mga establisyimento kung saan kasali ang mga LGU; ang tourist assistance call center ng DOT kung saan ang lahat ng mga alalahanin at katanungan na may kaugnayan sa turista dinadalaw; at ang ikalawang cycle ng Tourism Champions Challenge (TCC) na naglalayong hikayatin ang mas maraming LGUs na sumali sa kompetisyon na nakatuon sa isang pinahusay na Philippine Experience.

Ang iba pang umiiral na partnership ng DOT sa mga LGU kinabibilangan ng Tourist Rest Areas (TRAs) at isa pang bagong proyektong imprastraktura–ang Tourist First Aid Facilities (TFAFs).