Valeriano

Groundbreaking ng UdM pinangunahan nina Valeriano, Mayor Honey, at VM Yul

Mar Rodriguez Oct 17, 2024
142 Views

Valeriano1Valeriano2Valeriano3SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon isang university campus ang nakatakdang ipatayo sa Tondo matapos na pangunahan nina Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice-Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang groundbreaking para sa gagawing konstruksiyon ng sampung palapag na college building ng University de Manila (UdM) sa Tondo, Manila.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, sisimulan ang konstruksiyon ng UdM annex sa lalong madaling panahon. Ito ay ipapatayo sa 1,500 square meters public land na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Barangay 101, Vitas Tondo.

Ipinaliwanag pa ni Valeriano na ang UdM building ay magkakaroon ng sampung palapag habang 48 classrooms naman ang inaasahang magagamit ng libo-libong mag-aaral sa oras na matapos na ang konstruksiyon ng naturang unibersidad sa Tondo, Manila.

“This Universidad de Manila campus in Tondo is a historic milestone for Tondo, Congresa and the City of Manila because it is the first university campus in Tondo. This is the fruit of close collaboration for the benefit of residents of Tondo and sorrounding localities. Manila provided the public land upon which the 10-storey college building shall be built,” sabi ni Valeriano.

Sabi pa ng kongresista na ang konstruksiyon ng UdM sa Tondo ay resulta aniya ng kaniyang inisyatiba at pagsisikap upang mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang kaniyang mga kababayan sa Tondo, Manila at makapag-aral ang mga residente ng nasabing lugar sa tulong ng lokal na pamahalaan.

“Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo are instrumental to the success of this project because they made sure this piece of public land would not be sold or used for some other purpose because they shared our commitment to giving access to quality education to the youth,” dagdag pa ni Valeriano.

Sabi pa ni Valeriano na pangarap din nito na ang bawat residente ng Tondo ay makapag-aral upang mapanday ang kanilang kinabukasan.