Calendar
PBBM binigyan ng go signal P27B DOH health system project
BINIGYAN ng go-signal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P27.92 bilyong “Philippines: Health System Resilience Project, Phase 1” program ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Pangulong Marcos, malaking tulong ito para mapalakas ang health emergency prevention, preparedness at response sa vulnerable areas sa bansa.
“Maganda ito kasi specific to the Philippines. It’s not a general … (it is) specific even to the area,” sabi ni Pangulong Marcos kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa NEDA Board Meeting sa Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Marcos, makatutulong ang programa para maitayong muli ang resilient health system na susuporta sa vision ayon sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Nakaangkla ang programa sa enabling environment, project management, monitoring and evaluation at Contingency Emergency Response Component (CERC).
Prayoridad ng proyekto ang mga lugar na mahirap ang access sa healthcare.
Natukoy na ng DOH ang 17 probinsya na gagawing pilot run.