PBBM

Produktong Pinoy bibida sa international market– PBBM

Chona Yu Oct 19, 2024
119 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan ng sapat na promosyon sa international market ang mga produktong gawa ng mga Filipino.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Manila FAME 2024 sa Pasay City, sinabin nito na susuportahan ng pamahalaan ang mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) at artisan communities.

Paliwanag ni Pangulong Marcos, hindi lamang kasi sa local space ang ibibigay na tulong ng gobyerno kundi maging sa “digital space.”

“The government is able to put you now into not just the local space, but the digital space so that you are now working in the world market,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And it’s just up to us to scale up. It’s just up to us to keep the progress going because it’s very important that you’re continuously creative. But that’s – I don’t think that that’s a problem for Filipinos,” dagdag ng Pangulo.

Nabatid na ang Manila FAME ay isang premier trade show na nagtataguyod ng mga high-quality home, fashion at lifestyle products mula sa local MSMEs at artisan communities.

Nasa 7.1 percent ng gross domestic product o _1.72 trilyong goods and services ang naging kontribusyon ng creative industry noong 2023. Nasa 7.26 milyong Filipino naman ang nabigyan ng trabaho.

“So, all of the reasons for us to do this and to do it properly are there for the government, for the country, for all of our practitioners,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And we will do everything that we can so that the world will know even better how good Filipinos are. Iyong galing ng Pinoy makita ng buong mundo,” dagdag ng Pangulo.