Tulak Kinilala ni Police Lt.Col.Nelson Cortez ang dalawang suspek na nahuli sa buy-bust. Kuha ni JONJON C. REYES

2 lalaki arestado sa buy-bust; nakuhanan ng P1M shabu

Jon-jon Reyes Oct 23, 2024
16 Views

NALAMBAT ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 ang dalawang lalaki at nakumpiska ang isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust na ikinasa sa panulukan ng Arellano Avenue at G.Del Pilar Street,Malate Manila, Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jaderielle, 26 ng Barangay 739, Malate, at alyas Ferdie, 29 ,binata ng Barangay 750,Malate.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, MPD Malate Police Station 9 commander, bandang 2:50 ng madaling araw nang masakote ang dalawang suspek.

Ang dalawa ay miyembro ng tinaguriang Tolentino Drug Group at nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2021.

Ayon sa report ng SDEU, isang mapagkakatiwalaang impormante ang nagsumbong kaugnay sa bentahan ng illegal na droga sa nabangit na lugar. Agad nagsagawa ng test buy ang mga operatiba.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang 151 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa dalawang pakete at may halagang P1,026,800.